"Ang mga napag-aralan natin sa mga libro, diretso lang sila hanggang sa utak. Pero pag napag-aralan at naranasan, lalo na kung natawa tayo o nasaktan, diretso sila hanggang puso at kaluluwa" -Ricky Lee (Trip to Quiapo) ...
|
 | "tHe FrUsTrAtIons aRe bAcK" | Jan 7, 2010 |
Kandila by Sugarfree
Ngayong gabi Madilim dito Walang ilaw Brownout sa aking mundo Sa init naiinip Sa dilim nangangapa Naalala tuloy kita
Kandila lang ang kasama kandila lang Kamusta ka na kaya?
Kung kailan pa nawalan ng ilaw Tska pa lang naging malinaw Baka ako ang may kasalanan Kung bakit tayo ay may tampuhan Di na pwedeng pagusapan
Sori di kita hinabol Sori tayo'y malabo May-maya lang ay may ilaw na Pero sana ay malaman mo Magka ilaw man madilim pa rin Magka ilaw man madilim pa rin kung wala ka
 | | Aug 13, '11 7:36 AM for everyone |
| pakisabi nalang-aiza seguerra | | | | | | | Sa Buhay Na To - Silent Sanctuary | | | | | | | If I Could See You Again - Yiruma | | | | | |
Bale 1986 noong una kong nakilala si batman wala pang abs-cbn noon sa BBC-2 pa noon eh panahon ni Marcos na malapit nang mamatay wala rin si kris aquino wala pa si boy abunda sikat pa si herman moreno noon eh sabi ko, 'shet ang galing nito ah' natulala ako noong una kong napanood si batman 'shet ang galing nito' sabi ko sa sarili ko 'ang galing galing galing ng itsura ni batman' parang kinatam ang mukha ang galing ng costume umuumbok ang dibdib pero di pa rin bakat ang utong ang galing ng gadgets niya ang gara ng kotse ang ganda ng bahay ang galing-galing mag-Ingles ang galing mangarate actually, pulbos nga ang lahat ng kalaban niya eh palagi ko siyang pinapanood tuwing hapon palagi akong nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto nya manood ng lotlot and friend at saka thats entertainment pero ako isa lang talaga ang gusto kong panoorin sabi idol na idol n idol n talaga kita bale idol na idol talaga ko talaga si batman dibale na si robin ayoko ka robin kase parang bading pero ano nga kaya ang relasyon nila pero idol ko talaga si batman kase palagi ko at siyang dinodrowing, lagi ko siyang ginagaya lahat ng bagay na batman gustong gusto ko meron ako yung t-shirt ko batman yung lunchbox ko batman yung pencilcase ko yung panyo yung sumbrero yung toothbrush yung brief ko lahat yon batman mahal na mahal ako ng tatay ko kase kahit mahirap lang kami lagi nya akong binibili ng batman n bagay pero minsan gusto ko talaga ng batmobile na laruan nagpabili ako sa kanya sabi ko tay bili mo naman ako ng batmobile pero katatae nya lang yata nya non sa trabaho at wala n sya pera kase kasali yata siya noon sa unyon nagwala yata sa ticket line kaya yun natanggal siya kaya kumuha n lng siya ng karak-karak n lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng tansan at dun k na lang nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal at lumipas n ang mga taon ng si batman ay halos ng tuluyan ng maglaho mula sa aking alaala ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan alam kong naroon parin si batman isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at kwarto at mula panoon ay nag-iba na ang ihip ng hangin,nagulo na ang ikot ng mundo kumupas n ang kulay ng buhay dumaan ang kasintahan ang mga asawa ang mga taong akala mo moy kaibigan yung pala ay tarantado mga artistang araw-araw mong napapanood mo sa tv na mga bobo mga pulitikong bobo mga trabahong maliit lang ang suweldo isang milyon bundok ng problema sakahan ng hinanakit isang mundo ng hinanagpis hindi ko na matagalan hindi ko na matiis hindi ko na kaya ngayon hindi ko na talaga kaya,ngayon hindi ko na talaga kaya hindi ko na kaya may narinig akong putok mula kaibuturan ng aking utak bumigay n ang tali sumabog na ang bulkan nabasag na ang pula kaya ngayon isang madilim na madilim na gabi ako ay narito na sa tuk-tok ng isang mataas na mataas na building sa ayala ang sarap ng hanging umiihip-ihip sa aking kapa nakataas ang aking kamay nakataas na ang kamay malapit na akong lumipad malapit na akong lumipadmalapit na akong lumipad
lipad batman lipad batman lumipad ka patungong langit ...lumipad ka ...lumipad ka lumipad ka ...pero ...
bigla kong naisip hindi naman pala lumilipad si batman kaya ...paalam malupit na mundo paalam mahal, paalam po inay itay kuya ate lolo lola lola sa tuhod lola sa siko paalam po paalam bantay muning paalam hindi ko na alam kung sino na magpapakain sa inyo paalam po aling tekla paalam ...paalam po mang goryo saka ko na lamang po babayaran yung sukang inutang ko paalam junjun paalam bong bong ... Daddy,,,, Ipagpaumanhin nyo ni Mommy ang pagsulat ko sa inyo para ipaalam na akoy aalis na sa inyong poder. Ako'y sasama na sa aking bagong boyfriend na si Mark dahil gusto kong takasan na kayo ni Mommy. Natagpuan ko na kay Mark and tunay na pagmamahal at napakabait nya sa akin, napaka malambing nya hindi tulad ng iba kong naging boyfriend. Alam ko na pag nakilala nyo sya ay magugustuhan nyo din siya, lalo na ang kanyang mga hikaw, tattoo nya sa lahat ng parte ng kanyang katawan at ang pang motorsiklo nyang damit. Hindi lang sa pagkakaiba nya Dad kaya ko sya mahal na mahal, eto ay dahil sa buntis ako at sabi ni Mark na gusto nyang magkaanak sya sa akin para lalo kaming sumaya sa aming pagsasama. Kahit na matanda sya sa akin (42 na sya Dad, di pa naman matanda sa ngayon and edad nya diba?) kahit na wala syang pera, di naman eto hadlang sa aming relasyon, hindi ba Dad? Syanga pala Dad, maraming CD collection si Mark, meron din syang trailer na truck na kung saan doon kami magsasama, pinakang bahay na namin ang trailer, at marami na rin syang stock na panggatong para magamit namin sa buong buwan ng taglamig. Totoo na meron pa syang ibang girlfriend pero alam ko na magiging tapat sya sa akin sa kanyang sariling pamamaraan, sa katunayan gusto nyang marami kaming anak at eto ang isa sa aking ambisyon. Tinuruan na nga pala nya akong humithit ng marijuana at masarap ang pakiramdam, sa katunayan nagtanim na sya para ipagpalit sa aming mga kaibigan ng shabu, ecstasy na gusto namin. Dad, sana ipagdasal mo na matuklasan na ang gamot sa AIDS para gumaling na si Mark, kasi deserving naman sya na gumaling!! Huwag kang mag alala Dad 15 years old na ako at alam ko na kung paano pangalagaan ang aking sarili. Makikita mo Dad, ipagmamalaki mo rin ako at balang araw bibisita kami sa inyo para naman makilala mo ang iyong mga apo. Nagmamahal mong anak, Clarence PS: Dad, hindi totoo mga sinabi ko sa sulat. Nandito lang ako sa kapitbahay, pinapaalala ko lang sa iyo na mas marami pang dapat ikatakot sa buhay kesa aking report card na nasa drawer. Pakipirmahan na lang po at tawagan ako kung safe na akong umuwi dyan sa bahay. I love you Sa simpleng pagbigkas ng salita paiba-iba ee ...
Sabi ng english professor ko perfect ...
Sabi naman ni inday perpek ...Sino bang gumawa ng salitang yan ? perpekto ba siya ? bakit niya ginawa yan ?
Paano nagawa ang isang salita na kahit isa hindi kayang maabot?
Paano kaya pumasok sa isip niya na merong ganun?Masarap sigurong maging perpekto noh? -liham

"KUNG naibabalik lang sana ang oras, disin sana'y kasing dami ng traffic violations sa kalsada araw-araw ang mga naituwid na pagkakamali"
-Juan Pablo Mercado
Mula sa bintana ng lumang bahay isang lalaking nasa pagitan ng apatnapu hanggang apatnapu't limang taong gulang ang tahimik na na nakamasid sa mga batang naglalaro ng tumbang preso, animo'y may kung anong bunabalikan.
Panahon ng kanyang kabataan? Marahil...
Dalawampung taon ang nakakaraang taglay nila ang isang marangyang pamumuhay kaya't kung anumang naisin niya'y nakukuha. Mamahaling gamit ay parang damit lang kung palitan, ganoon din pagdating sa babae.
Pero nagsimulang magbago ang takbo ng buhay niya ng magkasakit ang daddy niya, unti-unting nawala ang mga ari-ariang matagal na pinaghirapan.
Sayang dahil bago pa man maganap ang tila isang nakatadhana sinimulan niya ng magbago nang makilala niya ang isang babaeng nagpatino sa kanya.
Halos dalawang taon din ang itinagal ng relasyon nila...
Naging maayos naman ang lahat pero labis na dinamdam niya noon ang kalungkutang dala ng mga mabilisang pangyayari.
Namatay na ang ama at unti-unti na silang naghirap...
Hiniwalayan niya ang pinakamamahal, dinahilan ang ilang mga bagay na lubusang dumurog sa puso ng kasintahan.
"Hindi na kita mahal", pero hindi ito ang tunay na isinisigaw ng puso.
"Kailangan ko lang alagaan ang pamilya ko",...
Huli na ng malaman niyang nagbunga ang pagmamahalan nila.
Itinago ang bata ng ina sa tunay nitong ama at halos matagal bago muling nagtagpo ang landas nila...
Gaano kasakit?
Mula sa malayo araw-araw niyang pinagmamasdan ang mukha ng anak. Wala siyang ibang magawa kung hindi ang sisihin ang sarili.
Hanggang sa sumapit ang ikalabing-walong taong kaarawan ng kanyang unika iha'y nagsilbi siyang aninong nagmamasid sa tabi.
 Natagpuan niya ang sariling tulirong naglalakad sa labas ng simbahan ng Quiapo, balisa ...
Maingay ang paligid ngunit tanging mga mumunting tinig lamang ang kanyang naririnig...
Paulit-ulit na rumehistro sa kanyang kaisipan ang nakakagulat na balitang nagpagising sa natutulog niyang mundo...
"Im sorry but according to our tests positive na meron kang leukemia, and malala na ang kondisyon mo, mahaba na marahil ang isang taong itatagal mo"
Ito pala ang sanhi ng mga abnormal niyang nararamdaman sa katawan, biglaang pagkahilo, panghihina at kung anu-ano pang sintomas.
Isang punuang jeep ang huminto mismo sa tapat ng kanyang kinatatayuan.Malapit sa likuran ang kanyang naging upuan.
Limang minuto ...pagkatapos makalayo huminto ang pampasaherong sasakyan upang magsakay ng pasahero...
Isang babaeng nursing student ang bumungad sa pintuan.
"May mauupuan pa po ba Manong?"
Muling nabuhay ang misteryosong anino, tumayo at ibinigay ang upuan sa dalagang labis-labis na nagpasalamat sa kanya.
"Eh pano po kayo?"
"Sasabit na lang ako iha"
Sa muling pag andar ng jeep ay nagsimula ng manangis ang luha sa mga mata ng misteryosong anino.
Tumingala siya sa langit. Humingi ng tawad sa diyos at sa lahat ng nagawan niya ng pagkakamali.
Isang pahabol na sulyap ang ibinaling sa dalagitang nursing student...
"Im sorry anak... Hindi ko ginustong iwanan kayo ng mommy mo, ginawa ko lang siguro kung ano ang alam kong tama, PATAWAD ANAK KO", ibinulong niya sa hangin ang mga salita bago bumitiw sa sabitang bakal ng humaharurot na jeep. Malakas na sigawan ang narinig pagkatapos...
***Wakas*** 
sa parisukat na kwartong madilim, itinarak ko sa mumunting libro ang plumang patalim, upang isulat at isatitik ang kwento ng aking kamusmusan, sa piling ng isang dilag na labis akong sinaktan,
nagsimula kami bilang magkaibigan, unti-unti akong nahulog ng hindi ko namamalayan, sino nga ba namang hindi mapapahanga? sa mukhang marami ang napapatunganga
saka ko na lamang napagtanto na ang pag-ibig kong inakala ay di pala totoo at parte lamang ng aking ilusyon kalaunan ay nauwi sa depresyon
gabi-gabi kong ipinagluluksa sa langit tanging naririnig ay malungkot nating awit isinumpa ko ang magagandang bagay sa mundo kabilang ang mga kabarkadang pilit akong sinalo
ang babaeng pinakaiibig-ibig koy walang kaalam-alam sa binabalak kong biglaang pamamaalam hindi niya batid na iginapos ko ang sarili sa mga ala-ala niya at tanging luha lang ang sa gabi kong nakakasama
di niya man sadyang ako'y pagkaitan ng pag-ibig na noon ko pa inaasam-asam
natagpuan ko ang sariling lumilipad pangarap na mapag-isa sa wakas ay natupad sa isang kumpol ng mga usisero tinapos ko ang pagiging tao 
Sayang lang at tuluyan na siyang bumitiw!Madalas kong mareceive nung kami pa!Di ko naman aakalaing mangyayari in real life! Kahit saang sulok o anggulo mo tingnan bakit mas pabor sa karamihan ang mabuhay sa nakaraan, ibig kong sabihin kung bibigyan mo sila ng pagkakataong pumili'y mas gusto nila ang sa kahapo'y bumalik.Sa isang simpleng tagayan sa tapat ng bahay ng isang matandang kaibigan, matandang kaibigan dahil halos dekada ang pagitan ng aming taong gulang, naikuwento nila ang kanilang naging buhay sa nakalipas, punong-puno ng kulay at may halong pagkukumpara sa aming ngayon na kasalukuyan.Kaya nga minsan mas gusto ko ring napapasama sa mga sa akin ay mahigit pa sa dalawa o tatlong dekadang ang sa akin ay lamang sapagkat batid ko ang balde-baldeng karunungan na posible kong maigib sa pamamagitan lamang nila.Hinayaan kong maglakbay ang imahinasyon sa kanilang mga kuwento. Ibang klase! Napaisip tuloy ako dahil batid kong balang araw darating din ang panahong ako naman ang nasa kanilang pwesto't magkukuwento mistulang nasa entablado't isinasalaysay ang panahong halos parang hangin lang na kumaripas.
Noong panahon ng mga lolo't lola natin, madalas masingit sa usapan ang mga polisiya at tradisyon ng ligawan nung araw. Kailangan mong magsibak ng kahoy, mag-igib ng balde-baldeng tubig at sewrbisyuhan ang pamilya ng iyong sinisinta bago mo makuha ang matamis niyang oo. Samakatuwid halos magpakamatay ang mga ginoo noong araw para lang maipakita at mapatunayang wagas ang kanyang pag-ibig.Ngunit ika nga nila'y sa patuloy na pag-usbong at pagbabago ng panahon nagbabago rin ang takbo ng pamumuhay, pag-iisip, at kaugalian ng tao. Nawala na ang konserbatibong imaheng kung saan maihahalimbawa ang naging batas noon na kapag nahawakan mo ang kamay ng isang binibini ay kailangan mo itong pakasalan.Makikita mo pa ba kaya ito sa kasalukuyang panahon. Pabata bg pabata ang mga pumapasok sa maagang pakikipagrelasyon at kasunod na nito ang maagang pagsabak sa kumplikadong buhay ng pagkakaroon ng pamilya kung saan maikokonsiderang hindi mo pa lubusang napaghahandaan.Paminsan tatanungin mo rin ang sarili mo sa kung ano nga bang totoong dahilan at nakakaapekto sa tuluyang pagbabago ng ating panahon.Madalas na nating naririnig sa mga nanay at tatay natin nuon ang mga salitang "noong panahon namin hindi naman kami ganyan"...Sila kaya ang maging bata sa panahon natin...Kapag napunta ka sa panahong dalawampung taon ang nakakalipas, kapag nabuntis ka ng disi-otso pababa iba ang tingin sa'yo ng lipunan pero sa panahon ngayun parang normal na lang, mas malala na ngayon kung magagaya ka kay Nene na nabuntis ng katorse.Kung sa bagay hindi mo rin naman sila masisisikung magawa nila ang mga kamalian na yun, at paglaon ang kamalian na yun ay maituturing na lamang isang biyaya.Maibabalik pa kaya ang dati?Sa sobrang dami kasi ng mga nakakaimpluwensiya sa kaugalian natin nakakalimutan na natin ang tradisyunal na mga bagay-bagay at kaugalian.Ibang-iba na nga raw ang kabataan ngayon mas mapusok , handang pasukin ang mga bagay na hindi nila nasisiguro, tama bang isisi sa modernisasyon ang lahat?Open na nga tayo sa usapang sex kaya parang natural na lang.Ikaw na lang ang magpasya, sayo ko na ibibigay ang huling hatol, mas masarap pa rin ba ang kahapon kaysa sa kasalukuyan? Nasa kasagsagan ng pagtuturo ang abogado naming propesora sa political science, rinding-rindi na ako sa sigawan ng mga kaklase kong uhaw sa debate, ngayun ko na naiintindihan kung bakit galit na galit ang ermats ko sa subject na mga tulad nito, papaano't puro pasikatan pala ang labanan, hindi uso ang pachambang sagot lang dahil may mga batas na dapat maging batayan.
Hinayaan ko lang sila. Kanina pa naman ako hindi nakikinig, abala ako sa pagmamasid sa mga kakatuwang ilaw ng mga gusaling tanaw mula sa kinauupuan kong malapit sa bintana na paborito kong pwestuhan kapag nabuburyo ako sa klase, at kapag alam kong magiging alang kwenta ang balitaktakan.
Isang dilaw na paru-paro ang pumukaw sa natutulog kong diwa. Paikut-ikot sa apat na sulok ng kulay asul na silid. Aliw na aliw akong sinundan ito ng tingin hanggang sa maglaho na lamang bigla.
Huling klase na namin yun. Paglabas ko ng mismong campus tumambay muna ako sa yosihan nila nanay, ang matandang suki ako. Pagbungad ko pa lang nakasalubong ko na ang isang dating kakilala, kaklase ko nung elementary...
Akala ko good news ang dala-dala niya, nakangiti pa kasi habang papunta sa mismong kinatatayuan ko, pero nag-iba ang ihip ng hangin at naging seryoso ang mga sumunod na tagpo...
"Nakapunta ka na ba?", nagulat agad ako sa tanung at napaisip ng mga posibleng okasyon na pwede niyang tukuyin. "Bakit anung meron?" "Hindi mo pa ba alam?" "Hindi pa, bakit anu ba yun?" "Patay na si ...", natigilan ako at halos hindi makapagsalita . "Bakit...W-what happen?" "Bumigay na katawan niya", saka ko lang nalaman na isa sa mga barkada ko during my elementary days ang nag suffer sa cancer ...
Hanggang pag-uwi ko dala-dala ko ang masamang balita ...
On the way ako sa simbahan na sinabi niyang pinaglagakan ng mga labi ...
Puro mga familiar faces ang sumalubong sa akin ...Kalungkot naman dahil after almost six years na hindi kami nagkita-kita dito pa ulit kami mabubuo
That was the most saddest reunion na napuntahan ko. Mahaba-habang kwentuhan ang naganap kabilang ang ilang mga malulungkot na detalye on how our dear classmate fight against cancer ...Our beloved journalism teacher was also there. Hindi rin halos siya makapaniwala.
Pero minsan ganyan talaga magbibiro ang tadhana ng hindi mo mamamalayan .
Matapos ang tatlong taon buhat ng mawala siya, hindi na rin nasundan ang mini reunion na yun, maliban na lang sa ilang mga kalapit lang na kakilala na anytime ee pwede kong makita ...
Bakit ko naisipang isulat ito?
Minsan napapaisip ako, ang buhay punong-puno ng kalungkutan! May mga dumarating, may mga bago tayung nakikilala, at syempre kailangan tanggapin na may aalis din.
Para sayu to! Rachelle ...
Alam ko nasan ka man ngayun masaya ka na ...Darating din naman ang time at magkikita-kita tayu dyan, pagkukuwentuhan natin ang mga bagay na hindi ko naikwento sayu dito sa lupa.
I would like to dedicate this to all the former grade six- section one na naging parte ng makulay na yugto ng aking kabataan ...
Love you ol guys... san man kayu ngayun sana masaya kayu sa mga kanya-kanya nyung buhay ... i miss you all !!!
 | "Imahinasyon ang pangunahing kasangkapan ng isang manunulat" -Ricky Lee (Trip to Quiapo)" | |
 | sayang patay na talaga ng tuluyan ang bobong pinoy ... |
 | Happy Holy Week! HE is the Bestfriend, True up to the end. :)  |
 | .,o sure. :) post ko someday! HAHA |
 | wala nga akong natapos hehe ,,,pabasa mo sa'kin pag napost mo na huh ... |
 | .,ngek wala ba? yun akin di ko pa napa-publish... haha! anla dali pabasa na! |
 | wala naman akong natapos sa likhaan ee hehe ,,, wait tinatamad kasi akong magtype ee .,,, |
 | .,hui asan bagong kwento mo? may ginagawa din akong bago.. na-publish mo na ba dito yung pinanglaban mo sa likhaan? |
 | hindi ka na nagsusulat ulit? anyari? |
 | salamat sa maikling panahong ibinahagi mo. it's appreciated. pagpalain nawa tayo ng Maykapal.
|
 | ayusin mo naman ang profile mo..sakit sa ulo. |
 | type RELAXING and send this to 666 for more info visit my house ...haha .... |
 | ang nice naman ng theme..where did you get this?hehehe..
enge naman..
very relaxing eh
|
 | Sir! maliit masyadu ung font.. pa-adjust po ng konti pede? mm.. alam ko nmn pong page mo to at bilang bisita, kailangang ako ang mag-adjust.. ngunit ganuon pa man... sige na please?
and by the way.. i like your page.. :) |
 | love ur page.. nice quotes. :DD |
 | Ikaw kea nag add saken. HAHA :> |
 | welcome poh ..hope you enjoy my page ... |
 | oh nkita koh na. saka koh na babasahin ung mga nsa taas.. goodluck! |
 | WAHAHAH GNUN?!? NYAHAHA..
HINDI NA KO NGSUSULAT.. AYAKO NA.
TSKA UN LAY-OUT?? (anu bang lay-out ko?!) NYAHAHA.. LUMA NA YUN. ^_^v |
|